Sereno, isinoli na ang P5M-worth na sasakyan

Sereno, isinoli na ang P5M-worth na sasakyan

June 23, 2018 @ 9:23 AM 4 years ago


Manila, Philippines — Ibinalik na ng kapapatalsik pa lamang na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang kontrobersiyal na Land Cruiser na binili at ginamit nito para sa kanyang service vehicle.

Kasunod ito ng pagsasapinal ng Korte Suprema ng desisyon na pagsibak kay Sereno sa puwesto.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, spokesperson ni Sereno, ibinalik ang sasakyan noong Martes, June 20 kung kalian ibinaba ng Kataas-taasang Hukuman ang desisyon sa quo warranto petition laban sa dating chief justice.

Matatandaang, kasama sa isinampang impeachment complaint laban sa dating punong mahistrado ang pagbili nito ng mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P5-milyon bilang service vehicle.

Sa ngayon ay nakalagak ito sa parking lot ng Korte Suprema at hindi pa malinaw kung sino na ang gagamit ng nasabing sasakyan o kung ibibigay ito sa susunod na mapipiling chief justice. (Remate News Team)