Sereno, pinayuhan ng Malakanyang na ituring nang final chapter ang kanyang drawn-out-drama

Sereno, pinayuhan ng Malakanyang na ituring nang final chapter ang kanyang drawn-out-drama

June 20, 2018 @ 6:43 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Makabubuti kay ousted Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ituring nang final chapter ng kanyang drawn-out-drama ang pagpapatalsik sa kanya ng Korte Suprema.

“It behooves everybody to respect and bow to the majesty of the law. Dura lex sed lex (the law may be harsh, but it is the law),” ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Ani Sec. Panelo, wala namang dapat sisihin sa nangyari kay Sereno kundi ang kanyang sarili dahil siya ang gumawa ng kanyang kapalaran.

Maaari aniyang malupit ang batas sa kanya subalit iyon aniya ang batas na dapat na sundin sa bansa.

Nakasaad aniya sa Konstitusyon na ang Korte Supreme ang maaring mag-interpret ng batas.

“The Supreme Court’s decision highlights the paramount importance and necessity of integrity and accountability of public officials despite the entry of partisan politics by those who seek to polarize the people,” ani Sec. Panelo.

Napatalsik si Sereno kanyang posisyon sa SC  matapos lumutang ang botong 8-6 dahil sa hindi pagsusumite ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth (SALN).

“The President stays committed to his constitutional task in serving and protecting the people and to ensure that all laws are faithfully observed, and effect genuine reforms in the bureaucracy for the betterment of the Filipino people,” aniya pa rin. (Kris Jose)