Serial rapist sa Isabela, himas-rehas

Serial rapist sa Isabela, himas-rehas

June 19, 2022 @ 4:12 PM 1 week ago


ANGADANAN, ISABELA- Himas-rehas ang Top 1 Most Wanted Person (TMWP) ang itinuturing na serial rapist sa buong lalawigan ng Isabela matapos mahuli ng kapulisan dito sa nasabing bayan.

Sa ipinarating na ulat ni PMaj. Ardee Tion, hepe ng Angadanan, Police Station kay PCol. Julio Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, kinilala ang akusado na si Joshua Paguyo, 25-anyos, magsasaka at residente ng Brgy Dalakip, Angadanan, Isabela.

Naaresto si Paguyo ng pinagsanib na pwersa ng mga tauhan ng Angadanan Police Station, Regional Intelligence Unit 2 at Isabela Provincial Intelligence Team sa kanilang lugar.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Judge Ariel Managuelod Palce ng RTC Branch 40 Cauayan, City, Isabela dahil sa kasong Rape at paglabag sa Child Abuse Law ay naaresto ang akusado.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. Rey Velasco