Serial rapist, tiklo sa pagbebenta ng baril, granda

Serial rapist, tiklo sa pagbebenta ng baril, granda

April 4, 2022 @ 7:40 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Nalambat ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang serial rapist na gumahasa sa apat na menor de edad na babae.matapos kumagat sa buy-bust kahapon ng hapon sa nasabing lungsod.

Kinilala ni QCPD Director  PBGEN Remus Medina ang nadakip na si Mhelo Tagle Monsada, alias “Mhel”, 35 anyos,   vendor, tubong  Bulacan at residente ng No. 9 Bigasan St., Villareal, Gulod, Novaliches, Q.C.

Ayon kay Holy Spirit Police Station 14 commander PLTCOL Jeffrey Bilaro pasado 5:00 ng hapon (April 3) nang isgawa ang operasyon ng kanyang mga tauhan upang madakip ang suspek.

Nauna rito, nakatanggapng impormasyon ang kapulisan  kaugnay sa pagbebenta umano ng mga baril ng suspek na sinasabing sangkot din sa serye ng mga nagaganap na pangre-rape sa mga minors at robbery holdup sa Quezon City, Marikina City, Bulacan at Cavite.

Sa himpilan ng pulisya ay positibong kinilala ng mga biktimang itinago sa mga pangalang Andrea ,  14;  Cristine, 17; April, 19, at Bernadeth, 15, ang suspek na siyang dumukot at humalay sa kanila.

Nakumpiska sa suspek ang dalawang piraso ng One Thousand Peso bill; isang Magnum Caliber .22 Black Widow Revolver;  apat na bala ng  Cal. 22; isang pulang Honda Click 125 Motorcycle, na may plakang 932RPF at isang  MK2 Handheld Grenade.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 (Illegal Possession of Firearm), R.A. 9516 (Possesion of Explosives) na may kaugnayan sa Omnibus Election Code, Forcible Abduction at RA 8353. Jan Sinocruz