Sermon dinamdam; 15 anyos nagpatiwakal

Sermon dinamdam; 15 anyos nagpatiwakal

June 23, 2022 @ 11:43 AM 3 days ago


MANILA, Philippines – Winakasan ng isang 15-anyos na binatilyo ang kanyang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang bahay sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PSSg Levi Salazar kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-9:30 ng gabi nang madiskubre ang grade 7 student na biktima na nakabigti gamit ang shoe lace sa kisame ng banyo ng kanilang bahay sa Navotas West ng lungsod.

Kaagad pinutol ng kapatid na babae ng biktima ang lace at humingi ng tulong sa kanilang mga kapitbahay saka mabilis na isinugod ang binatilyo sa Navotas City Hospital subalit, idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PSSg Salazar, nadiskubre sa kanyang cellular phone ang isang mensahi.

Nakasaad sa mensahi ang “Pa pa alam di ko na kaya sobrang sakit na eh siguro mauuna na muna ko ayaw ko na masermonan ang sakit sakit na eh sorry sa nagawa ko kanina”. Boysan Buenaventura