Serology testing mas epektibo kumpara sa rapid testing

Serology testing mas epektibo kumpara sa rapid testing

August 6, 2020 @ 7:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Tiniyak ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na tuloy-tuloy ang pag-iikot ng Mobile Serology Testing Clinics sa nabanggit na lungsod sa gitna ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) bilang bahagi ng tuloy-tuloy na libreng COVID-19 mass testing program sa Maynila.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, epektibo ang serolology testing na inilunsad ng pamahalaang lungsod sa iba’t ibang barangay sa Maynila kung saan ang Abbott Serology Testing Machines na ginagamit ngayon sa lungsod ay mayroong accuracy rate na umaabot sa 99.6-percent specificity and 100-percent sensitivity.

Aniya, nakatutulong umano ito sa mabisang contact tracing at surveillance ng COVID-19 cases sa mga komunidad na siya ring ginagamit sa ibang bansa, dagdag ng alkalde.

Natutukoy din umano sa nasabing serology testing ang iba pang sakit ng isang indibidwal gaya ng HIV, cancer, hepatitis at tuberculosis.

“Abbott developed a reagent for COVID-19 Igg antibody. Ngayon ginagamit natin ‘yan. So para maging cost-efficient ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila, i-tetest namin siya diyan, pag nag-positive siya, atleast alam niya kaagad, mayroon na agad next medical protocol na dapat niyang gawin at ipagawa sa kaniya. Kung may symptoms na siya then we can confirm,” ayon kay Domagoso.

“Ito rin yung machine na naghahanap ng kung ika’y positibo rin sa HIV, o yung cancer level mo, hepatitis and so on and so forth. Ang kagandahan ng makina, wala na siyang mabibigay na false-hope,” sinabi ng alkalde.

Binigyang-diin din ni Domagoso na hindi rapid testing ang ginagamit sa drive-thru testing centers sa Maynila sapagkat mas mataas ang accuracy ng serology test kumpara sa rapid tests.

“The City of Manila acquired a machine (for) Serology Antibody Laboratory Testing. This has an accuracy rate of 99.6-percent specificity and 100-percent sensitivity,” ayon pa kay Domagoso.

Maliban dito, nagsasagawa pa rin ang Pamahalaang Lungsod ng swab testing para sa mga Manileño.

“We continue to follow the guidelines of Department of Health, which (includes) swab testing, tuloy-tuloy pa rin yun,” dagdag pa ng alkalde.

Tinatayang nasa P20 million naman ang natanggap na donasyon ng Pamahalaang Lungsod mula sa iba’t ibang sektor na gagamitin sa lalong pagtitiyak sa kaligtasan ng mga Manileño laban sa COVID-19. Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...