Server issues sumalubong sa unang araw ng SIM registration

Server issues sumalubong sa unang araw ng SIM registration

December 27, 2022 @ 10:28 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinalubong ng server issue ang ilang mga subscribers na maagang nagparehistro para sa unang araw ng pagpapatupad ng SIM registration law.

Sa ulat, pasado alas-6 ng umaga nitong Martes, Disyemnbre 27, ay nagpakita ng “Bad gateway” prompt ang registration links ng Globe at Smart.

Sinabi naman ng Globe sa mga kliyente nito na subukan ulit ang link sa mga susunod na oras.

Samantala, sinabi ng Smart at DITO na maaari namang magpunta sa kanilang mga tindahan ang mga subscribers na nais humingi ng tulong sa pagpaparehistro.

Nauna nang sinabi ng Department of Information and Communications Technology nitong Lunes, Disyembre 26 na posible ang mga lilitaw na isyu sa SIM registration sa unang dalawang linggo ng pagpapatupad nito.

Nangako naman ang mga telecommunication company na sisikapin nilang mas pagbutihin pa ang proseso. RNT/JGC