SERVING HEARTS CHARITY NAGKAKALOOB NG DUGO SA MGA NANGANGAILANGAN

SERVING HEARTS CHARITY NAGKAKALOOB NG DUGO SA MGA NANGANGAILANGAN

July 6, 2022 @ 5:36 PM 1 month ago


TUWING sasapit ang buwan ng Hulyo, alinsunod sa Presidential Proclamation No. 1021 ay ginugunita natin ang “Blood Donors Month”, na isang pambihirang pagkakataon para sa bawat isa sa atin na pasalamatan ang sinomang indibidwal o institusyon na naglaan ng kanilang dugo noong tayo o ang ating kamag-anak ay nangangailangan nito.

 

Ang dugo ay isang specialized bodily fluid na nagdadala ng iba’t ibang substansya sa body cells gaya ng nutrients at oxygen, at nag-aalis ng waste products mula sa parehong cells. Sa biology, tinatagurian ito bilang “river of life”.

 

Sa tala ng World Health Organization, may 93 milyong katao sa 173 countries ang nagbibigay ng kanilang dugo taun-taon, 45.4 kada 1,000 tao ang nagdo-donate sa developed countries gaya ng Australia at Italy, 10.1 kada 1,000 tao sa mga transitional countries gaya ng Pilipinas, at 3.6 kada 1,000 tao sa mga developing countries, ang ratio ng naglalaan ng kanilang mga dugo. Ang maganda lamang dito, 1/3 ng blood donor ay mga kabataang may edad 16 pataas, isang magandang indikasyon ng maagang pagpapahalaga at malasakit sa kapwa-tao.

 

Malaki pa rin ang pangangailangan sa dugo ng buong mundo. Nito lamang kasagsagan ng coronavirus disease 2019, may apat na bilyong tao ang nangailangan ng dugo. At inamin mismo ng WHO ang malaking kakulangan dito.

 

Ang Blood Program sa Pilipinas ay saklaw ng Republic Act No. 7719 o ang National Blood Services Act of 1994, at isa ang Philippine National Red Cross sa mga key organizations na inaatasan ng batas na ipatupad ang probisyon ukol sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa voluntary blood donation, at pamamahagi ng mga siguradong malinis na dugo sa pamamagitan ng kanilang National Blood Services Office.

 

Mahirap mag-organisa ng bloodletting activities at malaki ang gastusin, ngunit marami ang umaasa at nangangailangan ng dugo,  kaya si Jackie Ysable Santos, Chairperson ng Serving Hearts Charity Inc, kasama ang kanilang miyembro at volunteers riders tulong-tulong sa pag organisa ng NBD tuwing Sabado at linggo.

 

Prioridad ng Serving Hearts ang pagkakaloob ng dugo sa mga Blood Donor na nangangailangan para sa kanilang pamilya at kamag-anakan.  

 

Sa masigasig na kampanya ng mga organisasyon, taun-taon ay tumataas ang bilang ng mga Pilipinong nag-aalay ng kanilang dugo para sa kanilang mga kababayan. Maganda naman talaga ang pagdo-donate ng dugo, ang ating bone marrow ay muling gagawa ng new red cells, parang bumabata ang pakiramdam at mapatotohanan ko ito sa inyo dahil ang inyong likod ay regular blood donor.

 

Mahigpit ang pagsusuring ginagawa sa mga nagnanais na magbigay ng dugo para makatiyak na ligtas ito sa MalariaSyphilisHepatitis B at CHuman Immunodeficiency Virus, at upang malaman ang blood typing.