Sesyon ng KAMARA sinuspinde…pagratipika sa BOL naunsyami dahil sa Alvarez oust plot

Sesyon ng KAMARA sinuspinde…pagratipika sa BOL naunsyami dahil sa Alvarez oust plot

July 23, 2018 @ 1:16 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sandaling  nagkaroon ng tensiyon sa Plenaryo matapos magmosyon si Pampanga Rep. Rimpy Bondoc na suspindihin ang sesyon hanggang alas 4:00 ng hapon na agad na pinagtibay ni Deputy Speaker Gwen Garcia kahit pa man tumututol si Camarines Sur. Rep Rolando Andaya.

Dahil sa pangyayari ay bigong maratipikahan ang Bangsamoro Organic Law (BOL) sa House of Representatives na target sanang maisumite kay Pangulong Rodrigo Duterte para malagdaan bilang batas bago ang kanyang State of the Nation Address.

Ayon kay Akbayan Rep Tom Villarin nagkakaroon ng paghahati-hati sa loob ng super majority dahil sa planong pagpapataksik kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

“Ang problema is with the administration the supermajoity is split, they dont know what to do kaya ito ang consequence ang BBL ang naging casualty dito sa intramurals within Duterte administration. It is very clear the intramural is between the President’s daughter and Speaker Alvarez. Unfortunately ang tinamaan dito ay ang BOL” paliwanag ni Villarin.

Aminado si Villarin na seryoso ang planong pagpapatalsik kay Alvarez kaya nagawang suspendihin ang sesyon hanggang sa mismong oras na ng SONA ni Pangulong Duterte.

“They were discussions and meetings from different parties with regards to Alvarez ouster and it became pronounce nung nag-resume session na nitong 10AM. Yung session was abruptly adjourned it shows that its really serious, ibig sabihin di ka naman maga-adjourn nang biglaan” pahayag ni Villarin

Sa tanong kung ano ang ibig sabihin ng pagsuspinde ng sesyon sinabi ni Villarin na nangangahulugan lamang ito na may seryosong banta sa House Leadership at dahil may sapat na numero para mapatalsik si Alvarez ay pagpapakita lamang ito na wala nang confidence ang mga miyembro sa liderato. (Gail Mendoza)