Seth, forever naka-support sa SethDrea!

Seth, forever naka-support sa SethDrea!

January 25, 2022 @ 2:03 PM 8 months ago


Manila, Philippines – “SethDrea will conquer the world at siguro naman, sa sinabi kong ‘yun nasagot ko na ‘yung tanong niyo. SethDrea is forever.”

‘Yan lang naman ang proud na sagot ni Seth Fedelin nang tanungin kung kumusta nga ba ang relasyon nila ni Andrea Brilliantes. (source ABS-CBN)

Bukod dito, ipinakita rin ni Seth in public ang message niya for his “mahal” na people assumed it’s Blythe since part na naman ng message ang “Let’s conquer the world.”

Nitong nakalipas na linggo lang ay nag-trend ang loveteam sa social media at usap-usapang mabubuwag ito dahil sa photos ni Seth with Francine Diaz’s family.

Komento ng netizens, mukhang everything is going well since okay naman ang posts ni Blythe sa IG niya kung saan may promo pa ng movie nila ni Seth at pasasalamat sa pa-MOA globe ng Sethdrea fans and supporters.

#Sethdrea #SethdreaForever. Paula Jonabelle Ignacio