Seth, ginagaya raw si Daniel, rumesbak!

Seth, ginagaya raw si Daniel, rumesbak!

August 31, 2022 @ 7:30 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – “Eh, sa ganito ako, ano’ng magagawa ko?!”

In essence, ito ang mensahe ni Seth Fedelin sa mga nagsasabing sinasadya raw niyang gayahin si Daniel Padilla.

In fairness, even while inside the Pinoy Big Brother house, marami na ang nakapansin na hawig kay DJ ang mga kilos niya’t pananalita.

Hanggang makalabas ay lalong lumutang ang tila younger version ni Daniel.

Sadya raw ito, na pati hairstyle ng nobyo ni Kathryn Bernardo ginaya na rin daw.

Resbak naman ni Seth, “Sa ganito ang porma ko, ano’ng gusto n’yo…magpakalbo ako?!”

Iginiit niya na malayo raw ang personalidad nila.

“Kung nasa harapan n’yo si Kuya DJ, napaka-manly. Ako, parang totoy…parang lumaki sa kanal.”

If he had his way raw, gusto niyang lumayo sa kung ano ang pino-project na itsura ni Daniel.

Pero ang pamunuan na raw ng ABS-CBN ang nagbigay sa kanya ng basbas.

Marami naman ang sang-ayon kay Seth na nagpapakatotoo lang daw. Ronnie Carrasco III