Seth, to-the-rescue kay Andrea!

Seth, to-the-rescue kay Andrea!

April 12, 2022 @ 9:00 AM 3 months ago


Manila, Philippines – Once a friend, always a friend.

Ito ang gustong patunayan ni Seth Fedelin sa kanyang pagtatanggol sa ka-loveteam na si Andres Brilliantes.

Sentro kasi ngayon ng pamba-bash ang aktres matapos maiulat na scripted umano ang surprise proposal ng ngayo’y nobyo na niyang si Ricci Rivero.

Buong ningning na tinanong ni Ricci if Andrea could be his girlfriend sa nakaraang laban ng kanyang koponan sa SM Mall of Arena.

Nagharap ang UP Maroons at ang FEU Tamaraws nitong April 9.

First time nanood ng UAAP game si Andrea, at nakaka-amuse na malaman that she has found a boyfriend there.

Binash naman si Andrea dahil dito.

Seth took to Instagram his defense of Andrea.

Panawagan niya, unfair daw kay Andrea ang mga komento laban sa kanya.

“Tama na po,” pakiusap ni Seth citing na hindi raw kilala nang lubusan ng publiko ang kalabtim.

Hiling niyang hayaan na lang na maging masaya si Andrea.

Oo nga naman, give Andrea a break! Ronnie Carrasco III