‘Severe dengue’ maiiwasan sa wastong paggamit ng Dengvaxia vaxx – Salavana

‘Severe dengue’ maiiwasan sa wastong paggamit ng Dengvaxia vaxx – Salavana

July 15, 2022 @ 3:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Sa gitna ng pagtaas sa bilang ng mga kaso ng dengue sa Pilipinas, iginiit ng isang infectious disease expert nitong Biyernes na mababawasan ng Dengvaxia vaccine decreases ang panganib ng matinding impeksyon kung gagamitin sa watong paraan.

“From a science perspective, it’s very clear that if we use Dengavaxia properly and people who have had at least one bout of dengue, it does decrease your risk of severe diseases by a lot,” pahayag ni Dr. Edsel Salvana, miyembro ng Department of Health-Technical Advisory Group.

Ipinag-utos ng Food and Drug Administration noong 2017 ang suspensyon ng pagbebenta, distribusyon, at marketing ng Dengvaxia vaccine at pagbawi ng mga produkto mula sa mga pamilihan.

Ito ay kasunod ng babala ng Dengvaxia manufacturer Sanofi wna maaaring maging sanhi ng malalang sakit ang bakuna para sa mga hindi pa natatamaan ng dengue bago maturukan nito.

Subalit sinabi ni Salvana na may mga kagamitan na ang pamahalaan upang suriin kung naggkaroon na ng dengue infection at masiguro na ligtas ang bakuna.

“We also have the tools now where we can actually check for dengue infection or prior dengue infection in someone before they get the vaccine,” aniya.

“So, you know, that will decrease the risk of having severe disease as a result of injecting somebody who has not had dengue,” dagdag ni Salvana.

Samantala, sinabi rin ng eksperto na na ang panganib ng pagpapaturok ng Dengvaxia vaccine ay mas mababa kumpara sa malalang pagkakasapul ng dengue sa ikalawang pagkakataon.

“The attributed risk from giving the dengue vaccine to someone who is seronegative is not any higher than the risk of severe dengue with a second natural infection. So it doesn’t go beyond the actual risk if you had dengue once,” paliwanag niya.

Nauna nang hinikayat ni Salvana ang publiko na maging bukas ang isipian sa Dengvaxia. RNT/SA