Severe Tropical Storm Inday, napanatili ang lakas – PAGASA

Severe Tropical Storm Inday, napanatili ang lakas – PAGASA

September 10, 2022 @ 8:00 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Napanatili ng Severe Tropical Storm Inday ang lakas nito habang kumikilos pa kanluran–hilagang kanluran.

Ito ay ayon sa inilabas na bulletin mula sa PAGASA kaninang alas-5 ng umaga kung saan ay huli itong namataan sa layong 495 kilometro silangan ng Basco, Batanes.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 110 kilometro kada oras at pagbugso na aabot sa 135 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Sa kaugnay na balita, inaasahan na magdudulot naman ng mga pag-ulan sa Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Bataan at Zambales dahil sa trough ng bagyo. RNT/JGC