Sex a day keeps the doctor away?

Sex a day keeps the doctor away?

November 10, 2018 @ 4:59 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Ang pakikipagtalik ay isang uri din ng ehersisyo. Ito ang normal nang naririnig lalo na sa mga lalaki pero hindi ito biro.

Lumalabas kasi sa pag-aaral na ang pakikipagtalik nang isa hanggang dalawang beses kada linggo ay nakapagpapatibay ng immune system. Dahil dito, malaki ang tyansa na hindi ka dapuan ng sakit.

Ayon sa AARP.org lead researcher na si Carl Charnetski, kahit simpleng sipon ay kayang maiwasan dahil sa madalas na pakikipagtalik.

Dagdag pa sa pag-aaral ng grupo nina Charmetski, kung gaano ka kadalas makikipagtalik ay ganun din ang ibababa ng inyong blood rate dahil sa relaxation na dulot nito pagkatapos ng bakbakan. Inihalintulad pa sa pag-aaral na ang sex ay parang masahe na malupit. Dahil din dito, naiiwasan ang mga sakit sa kasu-kasuan, at nakapagpapabawas ng stress at depresyon.

Isa namang pag-aaral sa Britanya ay nakatuklas na mabuti rin sa puso ang sex. Ayon dito, mas bumababa ang tyansa na atakihin sa puso ang lalaking madalas makipag-sex. Malaki rin ang tulong ng orgasm o pagpapakawala ng semilya dahil nakakapagpababa ito ng tyansa na magkaroon ng prostate cancer ayon naman sa National Cancer Institute.

Lumabas kasi sa pag-aaral ng naturang institusyon na ang lalaking nakapag-ejaculate ng 21 beses kada buwan ay may 33 porsyentong mababng magkaroon ng kanser kumpara sa mga nag-eejaculate lang ng 7 beses kada buwan.

Pero paalala naman ng mga propesyunal at mga dalubhasa lalo na sa medisina, huwag pa rin kalimutan ang paggamit ng contraceptives para iwas STD.

More sex, more fun! (Remate News Team)