Sex den sinalakay; 5 arestado, 7 bebot nasagip

Sex den sinalakay; 5 arestado, 7 bebot nasagip

February 19, 2022 @ 10:07 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Lima katao ang inaresto habang pitong kababaihan ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa umanoy sex den in Antimonan, Quezon.

Sa pahayag ng NBI, natukoy ang establisyimento na Kingfisher Lodge Hotel and Video Bar.

Kinilala rin ng NBI ang mga naaresto na sina Renita Agocho Francia, manager and operator, at Rowena Tocayon Abo, Lyra Amado Riego, Josefina Devilles, at Mary Anne Parco Alvarez.

Sinabi ng NBI na ang mga naaresto ay nakadetine ngayon sa Lucena District Office (NBI-LUCDO).

Sa nasabing operasyon, nasagip ang pitong biktima ng human trafficking na nagtatrabaho bilang mga GRO o guest relation officers sa nasabing sex den.

Inirekomenda naman ng Quezon provincial prosecutor’s office ang pagsasampa ng reklamong kriminal laban sa mga naaresto para sa paglabag sa Republic Act No. 9208, the Anti-Trafficking in Persons Act of 2003.” Jocelyn Tabangcura-Domenden