Sex offender na Briton, tiklo sa porno website

Sex offender na Briton, tiklo sa porno website

September 29, 2022 @ 1:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 64-anyos na dating nahatulan ng sex offender dahil sa umano’y pagpapatakbo ng child sex website sa Pilipinas.

Kinilala ang suspek na si John Crotty, isang Briton, na naaresto noong Setyembre 15 sa kanyang inuupahang bahay sa Tangub City, Misamis Occidental ng mga ahente ng Fugitive Search Unit and Intelligence Division ng BI sa pakikipagtulungan ng Tangub City police.

Ayon kay BI Commissioner Norman G. Tansingco, si Crotty ay iniimbestigahan din sa pamimirata umano ng mga pelikula matapos na makuhanan ng mga ebidensiya na nagpapakalat ng mga malalaswang mga larawan ng mga batang Pilipinang kababaihan sa kanyang website at social media accounts.

Si Crotty ay nakulong ng anim na taon sa UK sa kasong sex offender saka ito nagtungo ng Pilipinas nang makalabas ito sa kulungan.

“The arrest followed after receiving official communication from British authorities informing us that Crotty became the subject of an Interpol green notice that was issued last February 21,” ayon kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr.

Paliwanag ni Manahan na si Crotty ay nagtago na sa Pilipinas simula noong Pebrero 6 noong dumating ito bilang turista at hindi na ni-renew ang kanyang visa.

“These predators pose a serious threat to our women and children and there is no place for them here.” ayon kay Tansingco.

Si Crotty ay kabilang na sa listahan ng blacklist ng BI at hindi na pinapayagang muling makapasok ng bansa. JAY Reyes