Sex sa kulungan hinarang, criminal gangs nanununog, namamaril na sa Brazil

Sex sa kulungan hinarang, criminal gangs nanununog, namamaril na sa Brazil

March 19, 2023 @ 7:50 AM 2 weeks ago


BRAZIL – Pangatlong araw na ngayong nagwawala sa mga lansangan ang mga gang na kasama ng mga nakabilanggong boss nila na gustong magkaroon ng conjugal visit sa mga kulungan.

Tuloy-tuloy ang pamamaril sa mga bahay at gusali at panununog sa mga sasakyan mula sa kotse hanggang sa mga bus ng mga armadong gang sa utos ng kanilang mga boss na nakabilanggo.

Nauna rito, bukod sa karapatan sa conjugal visit, nais din ng mga bilanggo ang magkaroon ng mga telebisyon at sapat na kuryente ngunit tinatanggihan ng pamahalaan, lalo na ang panandaliang aliw ng mga presong may-asawa at suplay ng telebisyon.

Dahil sa mga pangyayari, nagpapadala na ang pamahalaan ng daan-daang pulis, lalo na sa mga lungsod na sakop ng estado ng Rio Grande do Norte.

Sa pagdakip sa mga armado at mararahas na gang ngayo’y nagkakaisa mula sa mga magkakaribal ng grupo, nakasasamsam ang mga pulis ng droga, armas, pampasabog, iligal na mga sasakyan at salapi.

Ganito rin ang nasasamsam nila sa mga raid na kanilang isinasagawa sa mga kuta ng mga gang. RNT/FC