Sex worker grinipuhan ng kustomer na nabitin sa sex

Sex worker grinipuhan ng kustomer na nabitin sa sex

June 4, 2021 @ 10:34 AM 2 years ago


BACOLOD CITY- sa halip na pera ang ibayad ng kanyang parokyano, pinag-uundayan ng saksak ang isang babaeng commercial sex worker nang mabitin umano matapos itong singilin ng huli kagabi sa lungsod na ito.

Nagpapagaling ngayon sa ospital ang biktima na kinilalang si Jedda Atayan, 37-anyos at nakatira sa nasabing lungsod.

Batay sa report ng Bacolod Police Station 6, dakong 10:50 PM naganap ang krimen sa loob ng Taculing Court, Bgy. Taculing ng naturang lungsod.

Ayon kay P/Maj. Leo Estopa, station commander ng Bacolod Police Station 6, pumasok ang biktima at suspek sakay ng tricycle sa naturang motel.

Kuwento ng biktima, nakailang ‘putok’ na ang suspek kaya siningil na niya ito ng bayad, subalit humiling na pa rin ito ng isa pa.

“Hindi ko na po pinagbigyan, dahil masakit na apo ang ari ko, hanggang sa kumuha na lang siya ng screw driver at pinagsasaksak ako sa iba’t ibang parte ng katawan.” ani pa ng biktima.

Ayon naman sa room boy, nagulat na lamang siya at mabilis na sumakay sa kanyang tricycle ang suspek at sinasabing ang biktima na lamang ang magbabayad ng kanilang kuwarto sabay humarurot at binangga pa ang gate.

Kaagad naman tinungo ng room boy ang silid ng dalawa at bumulaga sa kanyang harapan ang duguang biktima.

Humingi ito ng tulong sa mga otoridad at dinala sa ospital ang biktima para lapatan ng lunas ang mga tinamong sugat.

Sa ngayon sinusuri na ng pulisya ang CCTV ng motel para sa pagkakakilanlan sa suspek at agaran ikadarakip nito./Mary Anne Sapico