‘Sexrobatics’ nina Ellen at Derek sa IG, rated PG!

‘Sexrobatics’ nina Ellen at Derek sa IG, rated PG!

January 17, 2022 @ 6:46 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Mismong si Ellen Adarna na ang nagbabala na “Rated PG” o Parental Guidance ang ipinost niyang litrato nila ng asawang si Derek Ramsay.

Agaw-pansin ang isang picture na naka-split si Ellen at kung sisipating mabuti ay parang aktong dinidilaan ng Fil-British actor ang kanyang ‘flower’.

May litrato ring nakabaliktad si Ellen, sapu-sapo siya ni Derek in a standing position.

Kunsabagay, what should stop the couple from taking photos of them na ganu’n ang porma?

Hindi pa man sila kasal noon ay sanrekwang daring pictures had graced their Instagram account.

Meanwhile, balitang malapit nang mapaso o mag-expire ang kontrata ni Derek sa GMA.

It’s been almost two years since he was offered to do the TV series To Love and To Hold.

Ni-reject ni Derek ito, at napunta ang papel kay Rocco Nacino.

As it is now, naka-freeze daw ang kontrata ni Derek sa GMA. Kung ganu’n, masasabing technically ay valid pa ito. Ronnie Carrasco III