Sexual offender arestado ng NBI

Sexual offender arestado ng NBI

June 24, 2021 @ 7:13 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Laglag sa mga ahente ng National Bureau of Investigation-Cavite District Office (NBI-CAVIDO) ang isang sexual offender na nambibiktima ng mga kabataan sa Cavite City.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ang suspek na si Froilan Estolano.

Nauna rito, nagreklamo umano ang magulang ng isang 14 anyos na biktima laban sa alyas Migz Jacob Javier na ang tunay na pangalan ay Froilan Estolano.

Ang suspek ay isang flower plant trader na nakatira sa Purok 5 Pasong Langka, Silang Cavite.

Ayon sa magulang ng biktima kinaibigan siya ng suspek sa pamamagitan Facebook.

Sa di sinasdayang pagkakataon, natuklasan ng complainant ang palitan ng malalaswang konbersasyon ng kanyang anak at suspek.

Inamin naman ng 14-anyos na biktima na inalok siya ng suspek na makipagkita at makipagtalik.

Tinakot din ng suspek ang biktima na isisiwalat nito ang malalaswang usapan nila sa chat kapag hindi siya nagpadala ng nude photos kung saan nagpadala naman ito dahil sa takot.

Nakita naman ito ng magulang ng biktima kaya nalaarma at agad na sinabihan ang suspek huwag akitin ang kanyang anak.

Gayunman, hindi pa rin tumigil ang suspek dahilan para dumulog na sa NBI ang complainant kung saan nadakma ang suspek sa isang fastfood  chain sa isang mall sa Tagaytay sa isinagawang entrapment operation.

Sinampahan ng kasong  Expanded Anti-Trafficking Persons Act,   Cybercrime Prevention Act of 2012, Anti-Photo and Video Voyeurism Act,  Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, at Corruption of Minor. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •