Sexy actor, ibinuyangyang ang ‘dakilang’ kargada!

Sexy actor, ibinuyangyang ang ‘dakilang’ kargada!

December 5, 2020 @ 10:35 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Palaban sa hubaran at daring scenes ang guwapitong newcomer na si Ricky Gumera.

 

Isa siya sa tampok sa pelikulang “Anak ng Macho Dancer” na pinagbibidahan ni Sean de Guzman at mula sa pamamahala ng premyadong director na si Joel Lamangan.

 

Si Ricky ang itinuturing na bagong Totoy Mola na itinanghal bilang Mister Global Philippines 2019.

 

Panimulang saad niya, “Sobrang palaban po talaga ako rito sa movie, malaking adjustment po ito sa akin na mag-artista. Pero fulfillment po sa akin na nagawa ko iyong role na ibinigay sa akin ni Direk.

 

“Bale ang ginawa ko po, talagang ine-enjoy ko itong pinasok ko. Honestly, ibinigay ko po ang best ko para sa pelikulang ito.”

 

Ipinahayag din ni Ricky na marami siyang daring scenes at nagpakita pa siya ng kargada dahil kailangan ito sa pelikula.

 

Pag-amin ni Ricky, “Maraming love scenes, bed scenes dito. First time kong gagawin ito, ‘yung frontal talaga, na ipakikita ko ang lahat.”

 

Bakit kinaya niya ang maghubad nang todo at sumabak sa frontal nudity?

 

Lahad niya, “Sa tulong na rin ng manager ko na si Nanay Meg (Perez), sinabihan niya kasi ako, ‘Anak, hindi kayang mag-frontal ng isang artista, ikaw ba kaya mo?’ “Sabi ko naman, ‘Nay, ano sa palagay mo?’

 

“Sabi niya sa akin, ‘Kung ako ang tatanungin mo, i-grab mo.’ Kaya sabi ko, ‘Okay sige, one hundred percent iga-grab ko iyan.’

 

“At wala akong pinagsisihan, sa totoo lang, wala akong pinagsisihan. Kasi naisip ko na trabaho ito, eh, at para sa akin, gusto ko na iyong ginagawa ko na pag-aartista, sobra.”

 

Tiniyak naman ng manager niyang si Meg na dakila ang kanyang alaga kaya dapat abangan ang maiinit na eksena nito.

 

“Super daks! Walang halong eksaherasyon. Kita niyo naman, bakat na bakat,” bulalas ni Meg ng Mega Models Events and Talent Management.

 

Tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa. 

 

Ang “Anak ng Macho Dancer” ay mula sa The Godfather Productions ni Joed Serrano, katuwang ang Blackwater. Planong gawin ang premiere night nito ngayong December sa UP Film Center para sa uncut version ng pelikula. Nonie Nicasio


  •  
  •  
  •  

Loading...