Sexy actor, niregaluhan ng house and lot!

Sexy actor, niregaluhan ng house and lot!

November 30, 2020 @ 4:34 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Swerte ang sexy newbie actor na si Ricky Gumera dahil sa gitna ng pandemya kung saan badly affected ang showbiz industry ay niregaluhan pa siya ng movie producer na si Joed Serrano ng house and lot.

 

Ayon kay Joed, “Five million pesos ang worth ng house and lot na binigay ko kay Ricky. Bale nalipatan na niya ‘yung bagong bahay.”

 

Ayon sa kwento ni Joed, naawa siya nang nakita niyang sa squatter’s area nakatira si Ricky. Nakita rin niya na hindi maganda at hindi maayos ang kwartong tinutulugan ng ina ng aktor.

 

Pinuri naman ni Ricky ang pagiging generous sa kanya ng Mega Producer.

“Napakasarap makatrabaho ni sir Joed kasi napaka-generous niya. Hindi mo na kailangang magsalita dahil alam niya ang iyong pangangailangan,” sabi ni Ricky.

 

May boyfriend ngayon si Joed na isang pulis at single naman si Ricky.

 

Aminado naman si Joed na kung wala siyang boyfriend ay siguradong liligawan niya si Ricky.

 

“Kung wala namang boyfriend si Sir Joed, e, hindi siya mahirap mahalin at maswerte ako if ever dahil sa dami ng nagkakagusto sa kanya, e, ako pa talaga ‘yung liligawan niya.

 

“If ever, e, malaki ang chance na maging kami,” ang deretsong pag-amin ni Ricky.

 

Si Ricky ay ang mapangahas na newbie actor na binansagang bagong ‘Totoy Mola.’ Isa rin siya sa mga cast ng pelikulang “Anak ng Macho Dancer” under  the helm of direk Joel Lamangan, kung saan ay binigyang buhay niya ang role ni Kyle na inabuso ng sariling ama. Gaganap siyang anak ni Jay Manalo sa pelikula.

 

Si Ricky rin ang magiging bida sa pelikulang “Joed,” na lifestory naman ng actor turned producer na si Joed Serrano.

 

Both films are under Godfather Productions.

Si Wendell Ramos ang bida sa pelikulang “Joed,” na lifestory naman ng actor turned producer na si Joed Serrano. Both films are under Godfather Productions. JP Ignacio


  •  
  •  
  •  

Loading...