Sexy OOTD ni Sunshine, inokray!

Sexy OOTD ni Sunshine, inokray!

August 13, 2022 @ 10:34 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Isang pintaserang netizen ang nakatikim ng panunupalpal mula kay Sunshine Cruz whose manner of dressing ay inokray nito.

Ayon sa basher, bakit daw ba laging pa-sexy ang outfit ng aktres, wala na raw ba itong maisuot na damit?

Bale ba, nagpupumilit daw si Sunshine na magmukhang kaedad niya ang tatlong anak na babae gayong 45 years old na siya.

In short, hindi na raw bagay sa edad niya ang mga sexy outfits na ipinagbabanduhan pa mandin niya sa social media.

As expected, hindi ito pinalampas ni Sunshine.

Nirepost niya ang komento ng pintaserang netizen saka siya naglitanya.

Aniya, “Wearing somrthing that makes you feel pretty, confident and happy is not a sin. Sa mga naniniwala na naaayon sa edad ang pananamit, pasensiya na po. But I will never allow anyone to change the way I am. I love wearing crochet tops, I love going to the beach with my children.”

Hindi roon natapos ang resbak ni Sunshine.

Kung hindi raw masikmura ng ilang netizens the way she dresses up ay malaya sila na i-unfriend siya “for your peace of mind.”

Just the same, iginiit ni Sunshine na anuman ang ipost niya ay meron din siyang kalayaan.

After all, it’s her Facebook page.

Oo nga naman. May kasabihan ngang “My wall, my rules.”

Mahirap bang intindihin ‘yon? Ronnie Carrasco III