Sexy pic ni Nadine, pinaglaruan!

Sexy pic ni Nadine, pinaglaruan!

June 3, 2021 @ 7:17 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Agaw-atensyon ang isang sexy photo ni Nadine Ilustre na ginawan ng marami’t nakakaaliw na memes ng mga makasining na netizens.

Sa naturang litrato na bare ang background, makikitang nakahiga si Nadine sa sahig pero nakaangat ang katawan na parang nakaliyad. Naka-expose ang kanyang puting underwear, suot ang isang long-sleeved see-through top. Nakalugay ang buhok ng aktres sa sahig.

Pasok maging pabalat o cover ng isang women’s magazine ang shot na ‘yon, na nagpapakita man ng kanyang katawan ay in good taste ang pagkakakuha.

Ginawan ‘yon ng ilang memes ng mga netizens na malilikot ang imahinasyon. Parehong picture pa rin ang ginamit pero kuha mula sa iba’t ibang tagpo kunwari na aakalain mong totoo.

May nagpo-pole dancing, may nagtsa-Chinese garter kalaro ang mga batang babae, may binubuhat ng mga team players sa field, may nagdyi-gym with other female gymmates, may nasa loob ng jeep, may kuha sa beach na tumatalon at may eksenang halaw sa pelikulang “Four Sisters and A Wedding” na kinakaladkad siya palabas ng isang bar.

Bahagya mang halatang photoshopped ang mga ‘yon ay patunay lang na napakamalikhain ang mga Pinoy. Ronnie Carrasco III