SGMA, hindi magiging pabigat sa Kamara-Rep Batocabe

SGMA, hindi magiging pabigat sa Kamara-Rep Batocabe

July 26, 2018 @ 1:09 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa kabila ng kaliwa’t kanang batikos sa bagong liderato ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at pag-ungkat sa mga isyung nakadikit dito, naniniwala ang isang mambabatas na hindi ito magiging pabigat sa Kamara.

Ayon kay Ako Bicol Rep Rodel Batocabe na siya ding Pangulo ng Partylist Coalition sa Kamara na madaling makalimutan ang mga inaakusa kay Arroyo lalo at pinanindigan nito ang dignified silence nila nang bumaba sa pwesto na hindi bumatikos noon kay dating Pangulong Aquino gayundin ay hindi sumapi sa oposisyon.

Para kay Botocabe, magiging plus sa Kamara ang pamumuno ni Arroyo dahil sa kanyang work ethic.

Ang istilo umano ni Arroyo ay kumukunsulta at nakikinig sa mga kongresista kaya inaasahan na nilang magiging produktibo at maayos ang trabaho sa Kamara kumpara umano sa pamumuno noon ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na siya ang masusunud at ang kanyang desisyon ay hindi na mababali at siyang dapat na sundin ng mayorya.

Bilang mga good soldiers ay sinusunud umano ng mga mambabatas si Alvarez.

Kung ihahaluntulad umano ang Kamara sa ngayon ay masasabi na isa itong university sa ilalim ng Arroyo Leadership kng saan si Arroyo ay syang teacher habang noong si Alvarez ay maikukumpara naman sa isnag fraternity leader.

Samantala, pinapurihan din ni Batocabe ang pamumuno ni Alvarez, aniya, ang magandang legacy na maiiwan ni Alvarez ay ang pagkakaroon ng Independence ng Kamara kung saan walang sinantong mga ahensya ng gobyerno. (Gail Mendoza)