SGMA iwas pulitika kaya ‘di dumalo sa PDP-Laban meeting

SGMA iwas pulitika kaya ‘di dumalo sa PDP-Laban meeting

August 3, 2018 @ 5:19 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Aminado si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na hindi siya dumalo sa pagtitipon na ipinatawag ng PDP-Laban Party dahil sa ayaw nitong makisawsaw pa sa pulitika.

Aniya, kung dumalo siya sa pagtitipon ay maraming mga trabaho sa Kamara ang mababalam.

“Look, we were able to terminate the debate on the tariffication. If we concentrate on the legislation and also constituency servicing like this and less on politics, I think we can achieve more,” pahayag ni Arroyo.

No comment din si Arroyo sa naging pahayag ni PDP-Laban President Sen. Koko Pimentel na wala sa kanilang rules na maaaring maging Secretary General si Arroyo ng PDP-Laban matapos itong maluklok bilang House Speaker.

“It doesn’t mean a political party reorganizes when the House reorganizes because otherwise, you’re giving other political parties’ influence over a political party. Wala pong ganoon,” nauna nang pahayag ni Pimentel.

“I don’t like to react to what he said. I don’t like to react on what other people are saying,” tugon naman ni Arroyo.

Una nang sinabi ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na syang tumatayong Secretary General ng partido  na handa niyang ibigay ang pwesto kay Arroyo subalit hahayaan niya na ang partido at miyembro nito ang magdesisyon sa isyu.

Samantala sa isyu ng agawan sa pwesto bilang Minorya ng Kamara sinabi ni Arroyo na hahayaan niya ang mga mamababatas na desisyunan ito at hindi sya dapat makialam, ang tanging hangad lamang umano nya bilang Speaker ay matutukan ang trabaho.

“Let them work that out. Me I’m concerned in moving the legislation forward and as you can see by staying away from all of those matters, we were able to get the bicam on the Coco Levy, close the debate on tarrification,” pahayag nito.

Umapela rin si Arroyo na huwag bigyang kulay ang kanyang mga ginagawa lalo na ang pagbisita nito sa mga distrito dahil ang kanyang trabaho ay hindi lamang naman umiikot sa loob ng Kamara kundi dapat din nyang tiyakin na natutulungan ang mga kongresista sa pagtugon sa pangangailangan ng kanilang mga constituents.

“I just hope people will not misinterpret. I can’t help if I do my duty people will interpret it differently. I can’t be distracted by that. I have to focus. That’s why from the beginning I talked about those two important functions and you can see that everything I’ve done has been consistent with what I say. Everything I’ve done,” pahayag ni Arroyo.

Matatandaan na noong nakaraang Linggo ay pinangunahan ni Arroyo ang pamamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo at Habagat sa Pampanga at Bataan at kahapon ay nagtungo naman ito sa Calumpit, Bulacan para saksihan ang turnover ng Watermaster sa LGU bilang solusyun sa baha. (Gail Mendoza)