Shabu inipit sa ‘hiwa’ buking

Shabu inipit sa ‘hiwa’ buking

December 18, 2022 @ 2:23 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 29-anyos na ginang makaraang mahulihan ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis matapos ipitin sa kanyang ari ang droga sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Sangandaan, Quezon City kaninang madaling araw.

Kinilala ni PLTCOL. Mark Janis Ballesteros hepe ng Quezon City Police District station 3 Talipapa ang dinakip na si Ronalyn Caballero, alyas Onang, 29-anyos, may live-in partner, walang trabaho, residente ng Tandang Sora Avenue, Brgy. Sangandaan, Quezon City.


Ayon kay PCpl. Neil Christian Cyrus Fresco investigator nadakip ang suspek sa kahabaan ng Tandang Sora Avenue, Brgy. Sangandaan, Quezon City dakong 1:10 ng madaling araw.

Sinabi ni Fresco na nagpanggap na poseur-buyer ng shabu ang isang pulis saka nagawang nakabili ng halagang P200 shabu sa suspek.

Makaraang iabot ng suspek ang droga sa pulis agad ng dinakip ang nabiglang suspek na hindi na nakapalag pa.

Nakuha rin ng awtoridad ang iba ang shabu sa suspek makaraang itago ito sa kanyang ari na tinatayang may timbang na 1-gramo na may street value na P6,800.00.

Nakapiit ngayon ang suspek sa naturang himpilan ng pulisya. Santi Celario