Shabu ipinanggamot sa masakit na ngipin

Shabu ipinanggamot sa masakit na ngipin

December 26, 2022 @ 7:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang 36-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng shabu sa isinagawang anti-criminality operation ng mga pulis sa Quezon City nitong bisperas ng Pasko, Disyembre 24.

Nabatid sa ulat ni Quezon City Police District station 3 Talipapa chief PLTCOL. Mark Janis Balleseros kinilala ang dinakip na si Richard Tan, ng 24 F. Carlos Compound, QC.

Nabatid na nagsasagawa ng anti-criminality operation ang mga tauhan ng QC police sa naturang lugar nang masita ang suspek dahil sa kakaibang kilos nito.

Agad nilapitan ng mga pulis ang suspek subalit ng kapkapan ito ay nakuha sa kanyang pag-iingat ang 3 plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,040.00.

Sinabi pa ng mga pulis na ng tanungin ng mga ito ang suspek kung bakit siya may dalang shabu, binili lamang daw nya ito para panggamot sa kanyang masakit na ngipin.

Nakapiit ngayon ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong illegal drugs. Santi Celario