Shabu lab sinalakay, 20 kilo ng shabu nakumpiska

Shabu lab sinalakay, 20 kilo ng shabu nakumpiska

November 18, 2022 @ 10:02 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinalakay nang pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency ( PDEA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at NICA ang isang shabu laboratory kung saan dalawang katao ang nadakip at nakumpiska ang 20 kilo ng shabu kaninang madaling araw sa Muntinlupa City.

Kinilala ni PDEA Assistant Secretary Gregorio Pimentel ang mga nadakip na sina Aurelien Cythere, 41 anyos, walang trabaho, residente ng No.304 Mabolo Street, Ayala-Alabang Village, Muntinlupa City at Mark Anthony Sarayot, 42 , businessman, nakatira sa 23 Cabbage Street, Valley 5, Brgy. Ugong, Pasig City

Base sa ulat, dakong 12:30 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon sa tahanan ni Cythere.

Lumalabas na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ginawang pagawaan ng shabu ang nasabing bahay kung kaya’t agad na ikinasa ang pagsalakay.

Nakumpiska mula sa dalawa ang 20 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 136 milyon piso, iba’t’ibang kagamitan sa paggawa ng shabu, mga Identification Card, 3 cellphone at financial documents.

Nakapiit na ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag RA9165 o ang Comphensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan Sinocruz