Shabu pinalaman sa isda, ex-convict kalaboso

Shabu pinalaman sa isda, ex-convict kalaboso

April 2, 2022 @ 12:15 PM 3 months ago


MISAMIS ORIENTAL- Balik-selda ang isang ex-convict sa kasong murder matapos mahulihan ng shabu na palaman sa isda para sa kanyang kaibigan na dinalaw sa piitan nitong Biyernes sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Alvin Pagao, taga Jasaan ng nasabing lalawigan.

Batay sa report ng Misamis Oriental Provincial Jail diha sa Corrales-Luna Streets, dumalaw ang suspek sa kaibigan nitong nakakulong na si Viriglio Valcueba na may kasong murder,rape at carnapping.

Bago pumasok si Pagao sa loob ng piitan dumaan ito sa inspeksyon at nadiskubre ng jail officer ang 2 pakete ng shabu na nakaipit sa loob ng isda na pagkain sana ni Valcueba.

Sa ngayon magkasama na sa kulungan ang magkaibigan at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs na dagdag kaso para ay Valcueba na nakatakda sanang ibiyahe sa Davao Penal Colony. Mary Anne Sapico