Sharon at Kiko, muntik nang maghiwalay!

Sharon at Kiko, muntik nang maghiwalay!

November 22, 2022 @ 10:03 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Isang rebelasyon ang ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account umaga nitong November 20, Linggo.

Before she could make any disclosure, makikita ang larawan nila ni Kiko Pangilinan na nakayakap sa kanya.

Ayon sa Megastar, umabot ng anim na buwan ang pagkakaroon nila ng asawa ng LQ o lovers’ quarrel.

Noong panahon daw  na nagkaroon si Sharon ng show sa Amerika with Regine Velasquez ay meron na silang problema ni Kiko.

Kahit noong nagbakasyon ang buong pamilya sa South Korea ay bihira silang makunan ng litrato nang magkatabi.

Hindi naman binanggit ni Sharon ang puno’t dulo ng kanilang LQ.

All she thought was it could lead to her being single again.

Inakala raw niyang sa papasok na taon which is 2023 ay separada na siya from Kiko.

“Buti bati na kami,” saad ng post niya na sinamahan niya ng heart emoji.

The mere fact daw na nakayakap sa kanya si Kiko sa picture, ibig lang sabihin na miss na siya nito.

Hinangaan naman ng mga netizens kung paanong nakuhang itago ni Sharon ang pinagdadaanan nilang mag-asawa.

Hindi raw kasi typical ‘yon of Sharon na konting kibot ay nakaanunsyo sa social media.

At least, all’s well that ends well. Ronnie Carrasco III