Sharon at Regine, nag-apply kay Coco!

Sharon at Regine, nag-apply kay Coco!

January 29, 2023 @ 7:45 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hanggang ngayon daw ay nakakadama pa ng sepanx o separation anxiety si Sharon Cuneta kahit matagal nang namaalam sa ere ang FPJ’s Ang Probinsyano.

Bida sa nasabing teleserye which lasted for seven years si Coco Martin na nagsilbi ring direktor nito.

Ipinasok ang karakter ni Sharon sa mga huling episodes nito for which the Megastar was grateful.

Pero hindi lang daw trabaho ang ikinagusto ng singer-actress while doing it kundi pati ang turingan ng ibang cast members na parang isang pamilya.

Particularly close daw si Sharon kina Coco who she addresses as anak at sa rumored girlfriend nitong si Julia Montes.

Ang pumalit sa Ang Probinsyano na Darna ay malapit na ring magtapos.

At ang papalit naman sa iiwang time slot nito ay another FPJ blockbuster, ang Batang Quiapo.

Bida pa rin si Coco kasama si Lovi Poe.

Inaasahan ding tatampukan ito ng iba’t ibang artista tulad ng nangyari sa Ang Probinsyano which provided exposure to a lot of stars.

Isa nga sa mga nag-aapply bilang cast member ng Batang Quiapo ay si Sharon.

Aniya, “Anak, kahit ang role ko, eh, tindera lang sa sari-sari store, okey lang sa akin. Namiss lang kitang makatrabaho.”

Maging si Regine Velasquez ay willing ding lumabas sa Batang Quiapo, “Kahit bystander lang.”

Pagbigyan kaya sila ni Coco? Ronnie Carrasco III