P2.7M shabu nasabat sa Quezon

March 30, 2023 @3:13 PM
Views: 6
CANDELARIA, Quezon- Nasabat ng mga pulis ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.7 milyon sa buy-bust operations sa lugar na ito nitong Miyerkules.
Naaresto ng Candelaria Drug Enforcement Unit ang tatlong umano’y pusher na kinilalang sina Michael Malasma Dakila, Leovernie Montenegro Quitain, at Gerson Dinglasan Silva.
Sinabi ni Candelaria police chief Lt. Col. Dennis de Leon na natukoy si Dakila bilang high-value individual habang sina Quitain at Silva ay street-level individuals.
Nahuli sina Dakila at Quitain sa Purok 4, Barangay Masin Norte. Samantala, naaresto naman si Silva sa Purok 4, Barangay Malabanban Sur.
Kasalukuyan silang nasa kustodiya ng Suspects Candelaria Police Station. Nahaharap sila sa drug-related charges, base kay De Leon. RNT/SA
Tatlo patay sa rido

March 30, 2023 @3:00 PM
Views: 11
COTABATO CITY- Patay ang tatlong gunmen sa engkwentro sa pagitan ng nag-aaway na mga pamilya sa Ampatuan, Maguindanao del Sur, ayon sa police official nitong Huwebes.
Sa panayam, sinabi ni Capt. Giuseppe Tamayo, Ampatuan municipal police chief, na sumiklab ang laban nitong Martes ng gabi at nagpatuloy hanggang dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules.
Kabilang ang magkaaway na mga pamilya sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) base commands na matagal nang may iringan dahil sa territorial control ng malawak na lupain sa Barangay Kapinpilan, Ampatuan, base kay Tamayo.
“The protagonists in this fighting are members of the MILF’s 118th and 105th base commands,” ani Tamayo. “As I speak, they are still firing sporadically at each other although from a distance.”
Dahil dito, lumikas ang halos 100 pamilya sa mas ligats na lugar at pansamantalang nananatili sa municipal gymnasium.
Inihayag ni Tamayo na sinisikap na ng MILF officials na pigilin ang paglala ng karahasan sa mga miyembro nito sa nasabing lugar. RNT/SA
OrMin isasailalim sa state of calamity

March 30, 2023 @2:48 PM
Views: 12
MANILA, Philippines- Isasailalim ang buong probinsya ng Oriental Mindoro sa state of calamity, ayon kay Governor Humerlito “Bonz” Dolor nitong Huwebes.
“Kagabi po, dahil sa pinakahuling report na natanggap ko, mula sa (Department of Health) tsaka sa (Department of Environment and Natural Resources), nag-utos na rin po ako sa (Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office) kagabi na ihanda ang rekomendasyon para sa deklarasyon ng state of calamity for the entire province, hindi lamang po para sa area na naunang naapektuhan ng oil spill,” aniya.
Malaking bahagi ng lalawigan ang apektado ng oil spill dulot ng lumubog na tanker Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil.
Libo-libong pamilya at kanilang mga pamilya ang parte na ng cash-for-work program ng pamahalaan matapos pairalin ang fishing bans sa mga apektadong katubigan.
Sinabi ng Department of Social Welfare and Development na nakapamahagi na ito ng hindi bababa sa P38.1 milyong tulong sa mga apektadong pamilya.
Namataan ng Japanese remotely operated vehicle (ROV) ang mga crack sa lumubog na vessel. Sinabi ni Dolor na mayroong mga bag na makatutulong sa pagtugon sa tagas mula sa mga crack.
“Meron pong 23 na leaking areas doon sa MT Princess Empress. Para po temporary matakpan ito, lalagyan ng bag, parang ipapasok yung leak sa loob ng bag, isi-seal po. Para yung oil, hindi po humalo sa tubig,” paglalahad niya.
“Yung specialized bag…yung unang batch nasa Manila na po, parating na po ito sa Oriental Mindoro anytime.”
“Maganda rin po, nakakita na po sa Pilipinas, doon po sa Cavite area, ng kumpanya, na pupuwede pong mag-customize ng bag na ito,” dagdag niya. RNT/SA
Dagdag-pondo sa PCG vs oil spill, suportado ni Legarda

March 30, 2023 @2:34 PM
Views: 17
MANILA, Philippines- Suportado ni Senate President Pro Tempore Senator Loren Legarda ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang panukala na dagdagan ang kanilang pondo para makabili ng mga assets para sa pagtugon sa oil spill sa karagatan ng Pilipinas.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ng senador na dapat suportan ang PCG hindi lamang sa mga equipment at resources kundi maging sa building capacity at kung paano gawin.
Gayundin ang human skills at kaalaman, teknolohiya o equipment na gagamitin at kung ano ang pinakamabilis, madali at ligtas at episyenteng pamamaraan para mapigilan ang aksidente at oil spill kapag ito ay nangyari sa baybayin ng Pilipinas.
Dapat din aniyang alamin sa Department of Science and Technology (DOST) kung ano ang mga sina-una at ginagawa ng ibang bansa.
“Ano ba ang mga sina-una or ano ba ang ginagawa ng ibang bansa na hindi masyadong mahal o kung mahal– so be it, kakayanin ba? kayanin, para yung kaalaman ay dapat ding i-build hindi lang in terms of equipment,” sabi ng senador.
Pero ang pinakamainam aniya ay iwasan ang aksidente kaya kailangan seaworthy ang mga sasakyang-dagat, kailangan din aniya na huwag mag-overload at alam ang agarang gagawin kapag may nangyaring aberya.
Nitong Martes, sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na pinag-aaralan nilang isama sa kanilang panukalang 2024 budget na ihirit ang dagdag pondo para sa pagbili ng remotely operated vehicle (ROVs) at iba pang assets upang makatulong sa mabilis na pagtugon sa mga aksidente sa baybayin tulad ng nangyaring oil spill sa Oriental Mindoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Piolo, rumesbak sa nagsabing malungkot siya dahil loveless!

March 30, 2023 @2:30 PM
Views: 22