Sharon, binawi ang desisyong magretiro!

Sharon, binawi ang desisyong magretiro!

November 21, 2022 @ 9:28 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Nakaka-relate si Arlene Muhlach sa desisyon ni Sharon Cuneta na magretiro na sa showbiz.

Ayon sa 54-anyos na aktres, gustuhin man daw niyang mag-lie low na sa showbiz ay hindi puwede.

Kamakailan ay nagpost si Sharon na sa edad na 56 ay nais na niyang mag-retiro.

After all daw, she has been in the business for 43 years.

Nais na lang daw niyang ituon ang kanyang atensyon sa kanyang pamilya.

Pero open pa rin daw ang Megastar na mag-concert paminsan-minsan o lumabas sa serye o pelikula.

For the record, this is not the first time that Sharon is mulling over retirement.

Bagama’t semi-retirement lang ang gusto niya, Sharon came up with such a decision noong 2019, 2020 at 2021 and this 2022 being the last.

In less than 72 hours later, binawi ni Sharon ang kanyang earlier post.

Aniya, much as she’d like to pursue retirement this time ay hindi puwede: “Too many obligations.”

Baka ang tinutukoy niya ay ang pagpapaaral sa kanyang mga anak.

Among her kids, tanging si KC Concepcion lang ang nakatapos while the rest are still in school.

Marami naman ang nagsasabi na kung desidido na raw talagang magretiro si Sharon ay gawin na lang niya ito without necessarily having to post it on her social media accounts.

Nakailang beses na raw kasi niyang ipinopost ang tungkol sa pagla-lie low sa showbiz pero hindi naman daw niya itinutuloy.

Kunsabagay. Ronnie Carrasco III