Sharon, hindi na magreregalo ng wallet!

Sharon, hindi na magreregalo ng wallet!

November 1, 2022 @ 11:30 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Gift-giving time na muli dahil malapit na ang Christmas season.

Dahil dito’y aligaga ang lahat sa pag-iisip which holiday present is most practical para sa tatanggap nito.

In her latest vlog on YouTube, ani Sharon Cuneta ay iniiwasan na niyang magregalo ng wallet.

Here’s why.

Time was when ito raw ang paborito niyang inireregalo tuwing may mahalagang okasyon.

Sabi naman ng ilang nakatanggap ng wallet, umasenso raw ang buhay nila mula niyon.

But Sharon believes otherwise.

Baka raw nagkataon o coincidence lang that their lives have become better.

Coming from Sharon who is success personified, naniniwala siya na ang tagumpay ng tao ay hindi nasusukat sa regalong tinatanggap niya.

Naniniwala din ang Megastar na wala sa laki ng kinikita ng tao ang ikakaasenso niya kundi sa naipon niya mula sa kinikita.

Nagsampol pa si Sharon kung paano dapat nakapuwesto ang mga bills sa wallet.

Turo raw ng inang si Mommy Elaine, dapat daw ay nakaharap sa likod ang front part ng pera.

‘Yun daw ay para hindi palabas ang pera.

Back to wallet, hayaan daw siyang mag- isip which gift to give.

Okey lang naman daw mag-request pero alalahanin daw natin na hindi wallet ang susi ng financial success ng tao. Ronnie Carrasco III