Sharon, ibinuko ang masamang ugali ni Kiko!

Sharon, ibinuko ang masamang ugali ni Kiko!

January 30, 2023 @ 6:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines- No marriage is perfect.

This is a known fact na tanggap ng bawat married couple.

At hindi exception ang pagsasama nina Sharon Cuneta at dating Senator Kiko Pangilinan.

Matatandaang Sharon was contemplating calling a cool-off period noong nagkaroon sila ng problema ni Kiko.

Pinangambahan nga raw niyang baka salubungin niya ang 2023 nang hiwalay siya sa kanyang mister.

Umabot kasi ng anim na buwan ang kanilang domestic issue.

Finally, mismong ang Megastar na ang nagsiwalat ng ugali ni Kiko na muntik nang maging mitsa ng kanilang paghihiwalay.

Sa sulat sa kanya ni Kiko na binasa sa Magandang Buhay as her post-birthday guesting, mismong ang dating mambabatas ang umamin ng kanyang masamang ugali.

Kiko admitted to his “sungit ways.”

Pero kalakip nito ang mga katagang: “I promise to be kinder and more loving to you and to our children. I can’t imagine my life without you.”

Sapat na raw ‘yon para matinag si Sharon at maisip na hindi niya kayang iwan ang mister.

Sharon acknowledges the fact that she’s blessed for having found a husband like Kiko.

Samantala, dasal naman ni Sharon na makatagpo na ng true love ang anak na si KC Concepcion.

Marami raw silang similarities ni KC tulad ng pagiging hard-working, dahilan para hindi sila pagmalakihan ng kanilang partner.

Ani Sharon, “I always tell KC that she doesn’ need a man to survive but I want her to find her true love.” Ronnie Carrasco III