Sharon mag-o-ober da bakod na?

Sharon mag-o-ober da bakod na?

March 7, 2023 @ 10:00 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- Hindi naman pala seryoso ang pinlanong semi-retirement ni Sharon Cuneta.

Kung matatandaan, pursigido na siyang mag-lie low sa showbiz pero napagtanto niyang marami pa raw siyang mga obligasyon sa buhay.

Teka, ilang beses na bang sinabi ng Megastar she was taking a bow only to take her words back?

At mukhang retirement–whether semi or full–is far from happening.

Base ito sa kanyang latest social media post kung saan open siya sa anumang TV network na interesado sa kanyang serbisyo.

But don’t get her wrong.

Aniya, mananatili pa rin daw siyang isang Kapamilya.

It’s about time daw na bigyan niya ang kanyang sarili ng pagkakataong magtrabaho sa iba.

Teka, didn’t she already give herself a chance to work with TV5 na dahilan para malugi umano ang may-ari nito sa laki ng presyong nakasaad sa kontrata niya?

Anyway, taong 1988 pa raw kasi when Sharon joined ABS-CBN.

For 11 years tumagal sa ere ang The Sharon Cuneta Show.

Nawala ‘yon pero nasundan ng Sharon which lasted for 6 years.

Nawala ulit at ibinalik muli na tumagal nang another six years.

Sinundan ‘yon ng marami pang shows tulad ng Biggest Loser aside from serving as coach in The Voice and The Voice Kids and judge in Your Face Sounds Familiar.

Ang pinakahuli nga’y nang kunin siya ni Coco Madtin to play Aurora Guillermo in FPJ’s Ang Probinsyano.

Nakakuha naman ng maraming suporta si Sharon mula sa mga netizens in opening herself up to other networks.

Panahon na raw para kumawala ang Megastar mula sa kanyang comfort zone.

Sa usapin naman daw tungkol sa loyalty ay wala raw kuwestyon doon as Sharon has proven it herself.

Pero niliwanag ng singer-actress na wala pa raw negosasyong nagaganap between her at kung sinumang boss ng ibang network as to her transfer. Ronnie Carrasco III