Sharon, magreretiro; Pops, nagbago ang isip!

Sharon, magreretiro; Pops, nagbago ang isip!

November 19, 2022 @ 4:00 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – September 2019 nang dapat sana’y magse-semi-retirement si Sharon Cuneta.

Hindi nga lang ito natuloy nang pumirma siya ng kontrata sa ABS-CBN.

But in her latest post on Instagram, desidido na ang Megastar na ituloy ang kanyang pagreretiro.

Aniya, sa edad niyang 56 sa kasalukyan ay 43 taon ang iginugol niya sa larangan ng showbiz.

Mas gusto raw ni Sharon na ilaan ang kanyang panahon sa pamilya.

She doesn’t mind though appearing in a TV series as she did on FPJ’s Ang Probinsyano o magkaroon ng show o concert pero hindi na raw tulad noong mga panahong it was all work, work and work.

Wala namang binanggit si Sharon if she’s entertaining the thought of getting into politics.

Samantala, ang kapwa niya mang-aawit na si Pops Fernandez ay nakapagdesisyon nang magreretiro.

Si Pops ang tinaguriang Concert Queen ng bansa.

Ayon kay Pops, nagbago raw ang isip niya pagkatapos ng matagumpay na pagtatanghal ng 3 Divas.

Ang 3 Divas ay pamagat ng show nina Pops, Jaya at Kuh Ledesma kamakailan sa Fantasy Spring Casino sa Coachella, California.

Proudly, silang tatlo ang kauna-unahang Filipino artists na nakapag-perform doon.

Ikinatuwa ‘yon ni Pops dahil mabibigyan ng pagkakataon ang ibang mga Pinoy artists to perform there.

Ikinakasa na ang repeat ng 3 Divas and hopefully a concert tour across US next year.

Nasa US pa rin si Pops who’s spending the holiday  season with her sons Robin and Ram.

Meanwhile, maraming tagahanga ni Sharon ang pumipigil sa kanya na ipursige ang pagreretiro. Ronnie Carrasco III