Sharon, napagkamalang anak ni Kiko!

Sharon, napagkamalang anak ni Kiko!

September 1, 2022 @ 10:58 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Flattering para kay Sharon Cuneta ang comment ng isang netizen who mistook her as former Senator Kiko Pangilinan’s daughter.

Clad in black, ibinase ng netizen ang kanyang obserbasyon sa litrato kuha sa pamilya ng Megastar while vacationing in South Korea.

The photo was taken habang kumakain sa isang Korean resto sina Sharon at Kiko with their kids Frankie, Miel and Miguel.

In fairness, mukhang bata si Sharon dahil na rin sa kanyang weight loss.

While nakaka-flatter ang comment ng netizen, hindi kaya offensive ito kay Kiko?

Speaking of whom, ipinost nga ni Kiko ang larawan kung saan may binili sila sa 7 Eleven doon.

Malaya raw kasi silang nakakapag-ikot sa SK nang walang nakakakilala sa kanila.

The family took the trip to celebrate Kiko’s birthday.

Hindi naman napigilan ni Kiko na i-post na na-miss niya si KC Concepcion na hindi nila kasama sa biyahe.

On KC, panay ang gala nito sa Amerika base sa mga ipino-post niyang pictures.

Ang nakakatawa, kung si Sharon ay napagkamalang anak ni Kiko, si KC naman is mistaken for a mother dahil sa malusog na pangangatawan nito.

When the tables are turned around…bow! Ronnie Carrasco III