Sharon, nasaktan sa mga video ni direk Daryl Yap!

Sharon, nasaktan sa mga video ni direk Daryl Yap!

April 21, 2022 @ 6:49 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Tuwirang sinabi ni Sharon Cuneta na nasasaktan niya sa paggawa ni direk Daryl Yap ng mga short video ng presidentiable na sinusuportahan ni Mega.

Si Daryl ay ang nagdirek ng pelikula ng Megastar na Revirginized noong isang taon.

Nasaktan man dahil sa mga short films ni Daryl ay hindi raw siya nagtatanim ng sama ng loob dito.

Nauunawaan daw ng singer-actress na  ginagawa lang nito ang kanyang trabaho.

Nasasaktan daw si Sharon dahil binabanatan ang sinusuportahan niya.

“Siyempre, kandidato ko siya,” she said of her presidentiable na katandem ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.

“Nag-textan kami bago siya namili. Ako naman, hindi ako namimilit ng kaibigan o kamag- anak. It’s their right,” lahad niya.

Patunay na kahit nasasaktan siya sa mga short films nito’y wiĺling pa rin siyang magpadirek dito uli.

Naging paksa ito nang humarap si Sharon at si Regine Velasquez para sa restaging ng kanilang Iconic concert.

Nauna nila itong itinanghal noong 2019. Ronnie Carrasco III