Sharon, niregaluhan ng jologs cellphone ang anak!

Sharon, niregaluhan ng jologs cellphone ang anak!

October 26, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Will any child appreciate a classic Nokia cellphone these days as a birthday gift?

Hmmm, meron naman.

Siya’y walang iba kundi si Miguel Pangilinan, ang adopted son nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan.

Unlike most kids within his age bracket would go for the expensive IPhone, masaya na si Miguel with an old Nokia model para sa kanyang kaarawan.

Kitang-kita naman ang tuwa ng trese anyos na binatilyo sa ipinost na picture ng Megastar hawak ang regalo ng ina.

‘Yun ang kauna-unahang mobile phone ni Miguel whose 13th birthday is on October 29.

Sharon opted to give her gift way in advance.

May October 27 pa siyang binanggit dahil ito palang si Miguel wants to have two birthdays.

Take note, proof na parehas lang ang tingin ni Sharon sa lahat ng kanyang mga anak including KC Concepcion, noong nag-birthday din ang mga ito’y hindi mamahaling cellphone ang iniregalo niya.

Mabuti’t kahit hindi nakikisabay ang mga ito sa mga batang lumaki sa luho ay appreciative naman si Miguel.

Kung tutuusin, gasino lang kay Sharon na ibili ito ng Smart phone?

But Sharon’s intention is not to pamper her kids.

At the same time, gustong ipaunawa ni Sharon sa kanyang mga anak ang kahalagahan ng pera and how to spend it wisely.

Talk about ideal parenting. Ronnie Carrasco III