Sharon, pagod nang mawalan ng minamahal

Sharon, pagod nang mawalan ng minamahal

August 18, 2022 @ 5:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Isang kaibigang hindi niya binanggit ang pangalan at isang 25 anyos na pamangking babae.

Ito ang dalawang taong ipinanghihingi ng panalangin ni Sharon Cuneta na sana’y malampasan ang sakit.

Ayon sa post ng Megastar, her anonymous friend is now at the ICU after suffering from a silent stroke.

Ang pamangkin naman daw niyang babae ay dinapuan ng cancer, bagay na hindi niya maintintihan.

Saad ni Sharon  “I’m still in pieces over losing Cherie (Gil). Tama na. My faith is wavering but I don’t want it to be. Pagod na ang puso ko sa sakit. Please pray with me for healing.”

Sunud-sunod nga namang namamaalam ang mga taong malapit sa kanya.

At hindi pa nga siya nakakabangon mula sa pagyao ng kaibigang si Cherie Gil nitong August 5 ay heto’r parang dinudurog na naman ang kanyang puso.

Nakatagpo naman ng karamay si Sharon sa mga netizens na pilit pinalalakas ang kanyang loob.

Oo nga naman, keep the faith, Shawie! Ronnie Carrasco III