Sharon, pinaratangang gimikera!

Sharon, pinaratangang gimikera!

May 31, 2021 @ 2:41 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Hindi yata makatarungang paratangan si Sharon Cuneta o ang kampo nito na gumigimik lang daw para paingayin ang kanyang pagbabalik-pelikula.

Tapos nang i-shoot ng Megastar ang pelikulang “Revirginized,” her comeback project sa ilalim ng Viva Films. Kakaibang Sharon Cuneta raw ang mapapanood sa Daryl Yap movie na ito, malayo sa kanyang mga pelikulang nakasanayan nang panoorin ng kanyang mga tagahanga.

Kung bakit nasabi ng ilang netizens na gumimik lang daw si Sharon para tangkilikin ito’y ang pagkaladkad sa co-star niyang si Marco Gumabao na sinasabing nobyo raw niya, dahilan para saktan daw siya ng asawang si Senator Kiko Pangilinan.

“Naku, kung hindi Kiko ang may mas batang kalaguyo, siya naman! Bumenta na ‘yan!”

Ang anggulong buntis naman daw si Sharon sa ibang lalaki ay common sense isyu raw na hindi dapat patulan, “Kung kay Kiko nga mahihirapan na siyang magbuntis, sa iba pa?” Hindi na raw kasi bata ang Megastar sa kasalukyan niyang edad na 55 anyos.

Ang lahat ng ito’y pinasinungalingan na ni Sharon sa kanyang Instagram Live.

Besides, wala sa imahe o record ng singer-actress na kailangan pang gumimik para pag-usapan lang. Ronnie Carrasco III