Sharon, sinorpresa ang lolong pianista!

Sharon, sinorpresa ang lolong pianista!

December 14, 2022 @ 12:30 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Ikinatuwa ng mga mallgoers at shoppers alike ang ‘di inaasahang pagsulpot ni Sharon Cuneta sa Powerplant Mall sa Makati City nitong December 11.

Kasama ang asawang si dating Senator Kiko Pangilinan, hindi roon nagsadya ang Megastar para mamili kundi para sorpresahin ang regular pianist roon.

Ang pakay ni Sharon ay ang 72 anyos na piyanistang si Vidalita Infante o Lolo Bong.

Nakarating kasi sa kaalaman ng singer-actress na tuwing araw ng Linggo, ang mga piyesang tinutugtog ni Lolo Bong ay mga awitin niya.

Viral nga ang mga performance ni Lolo Bong na ang kinikita bilang regular pianist ay ipinantutustos nito sa kanyang mga gamot.

Hindi lang isang surprise visit ang kinalugdan ng mga mallgoers.

Kinanta rin niya ang kanyang pinasikat na awitin na Ikaw.

Ang Ikaw ay original song ni Sharon na ginawan ng pelikula ng Viva Films noong 1993.

In the lead cast ay sina Sharon at Ariel Rivera.

Ito’y para ituwid ang maling caption na lumabas sa isang website na ang original singer ng Ikaw ay si Regine Velasquez.

Nag-record si Regine ng revival nito noong 1998.

Bilang respeto na rin ang pagbibigay ng kredito kay Sharon kahit sabihin pang malapit sila ni Regine sa isa’t isa.

Hindi malinaw kung may dalang regalo si Sharon sa pagbisita niya kay Lolo Bong.

But knowing how generous Sharon is ay tiyak ‘yon. Ronnie Carrasco III