Sharon, tatawaging ‘prunes’ ang sarili!

Sharon, tatawaging ‘prunes’ ang sarili!

August 25, 2022 @ 9:30 AM 1 month ago


Manila, Philippines – “Prunes” ang tawag ni Sharon Cuneta sa sarili if ever mangulubot sa pagtanda.

At bago nga raw siya magmistulang prunes o mangulubot ay nais niyang makatrabahong muli ang mga dati niyang leading men.

First on the list ay si Robin Padiila. Bakit?

Aniya, “I’m happiest at work when I’m working with Robin.”

Pareho raw kasi silang may sense of humor, “And I’m well taken care of by him.”

Sumunod naman sa listahan ng Megastar ay si Aga Muhlach, at bakit?

“Because Aga is such a great actor.”

Pumangatlo si Christopher de Leon na nakasama ni Sharon sa Madrasta at Babangon Ako at Dudurugin Kita, among others.

Panghuli ang dating asawang si Gabby Concepcion.

Matatandaang may plano noon for a reunion movie but it bogged down.

Sinasabing ang mataas na talent fee ni Gabby ang dahilan.

Ang tanong nga lang: open kaya si Gabby to work with Sharon? Ronnie Carrasco III