Sharon, tinawag na ipokrita!

Sharon, tinawag na ipokrita!

October 27, 2022 @ 1:09 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Anuman talaga ang gawin ng isang artista, mabuti man o hindi, people will always have a say on it.

Kamakailan lang, isunulat namin dito sa Remate Online ang magandang pagpapalaki sa kanyang mga anak, including their adopted son Miguel.

Sa halip kasi na mamahaling cellphone ang iniregalo ng Megastar on Miguel’s 13th birthday, Sharon opted to give him an old yet classic Nokia phone.

Pagbibida ni Sharon, ang kauna-unahang simpleng cellphone ng ibang mga anak ay regalo rin niya.

Ipinost pa nga ni Miguel ang regalong ‘yon with matching keypad.

Nag-uunahan naman sa mga komento ang netizens na hindi kumbinsido sa pa-humble effect ni Sharon.

Nakuha raw nitong mag-shopping binge sa South Korea, isang mamahaling phone para sa anak ay pinanghinayangan niyang bilhin?

Another mother-netizen commented na hindi raw siya mayaman, but she would have bought her child an expensive cellphone.

Hindi naman daw kasi porke binilihan ng magulang ng mamahaling gadget ang anak ay nangangahulugang pang-i-spoil ito.

Ang pagkakamali ni Sharon, kung pagkakamali ngang matatawag ay ang pag-post pa nito sa social media.

Known for being wealthy, wala nga namang maniniwala sa pa-low key effect niya.

Still another netizen posted a valid comment: “That old Nokia model, does it still exist?” Ronnie Carrasco III