Sharonians, nasaktan sa ginawa ni Maricel!

Sharonians, nasaktan sa ginawa ni Maricel!

April 26, 2022 @ 6:36 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Nawala kaya sa isip ni Maricel Soriano ang ‘di pagbanggit sa pangalang Kiko Pangilinan sa grand birthday rally ng isang presidentiable nitong Sabado sa Macapagal Blvd?

Panay kasi ang sigaw ng Diamond Star ng pangalan ng presidentiable pero no mention sa runningmate nito.

Umakyat pa nga si Sharon Cuneta para ipakilala si Maricel, nagbesu-beso at nagyakapan sa stage.

‘Di tuloy maiwasang ma-hurt ang mga Sharonians.

Anyway, star- studded ang rally na ‘yon na inatenan din nina Gary Valenciano, Vice Ganda, Angel Locsin, mag- asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, at marami pang iba.

On Maricel’s no mention of Kiko’s name, maaaring na-overwhelm lang ang aktres sa kapal ng crowd estimated to be 412,000.

Same with Vice Ganda na nakalimutan ding banggitin ang pangalan ni Kiko.

Siyempre, the mere presence ng mga artista roon ay understood nang sumusuporta sa tandem.

Well, maliban na lang kung may ibang VP bet na minamanok sina Maricel at Vice Ganda. Ronnie Carrasco III