Shear line, amihan, localized thunderstorm iiral sa bansa

Shear line, amihan, localized thunderstorm iiral sa bansa

February 11, 2022 @ 8:15 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Patuloy na makaaapekto ang shear line sa Visayas habang hangiong amihan ang makaaapekto sa Luzon, batay sa PAGASA.

Makararanas ng pag-ulan ang Visayas, Caraga, northern Mindanao, at Zamboanga Peninsula ng kalat-kalat na pag-ulan.

Iiral ang amihan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon na magdadala rin ng panaka-nakang pag-ulan.

Habang localized thunderstorm ang mararamdaman sa Mindanao.

Nagbabala naman ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat.

Sumikat ang araw kaninang 6:22 a.m., at lulubog mamayang 5:59 p.m. RNT/FGDC