Shear line, amihan magpapaulan sa bahagi ng bansa

Shear line, amihan magpapaulan sa bahagi ng bansa

March 3, 2023 @ 6:45 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magpapaulan ang shear line at northeast monsoon o amihan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas ngayong Biyernes, ayon sa PAGASA.

Magiging maulap ang kalangitan sa Caraga at Davao Oriental na sasabayan ng kalat na pag-ulan dahil sa shear line.

Makararanas din ng pag-ulan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Apayao, Aurora, Quezon, Marinduque, Romblon, at Oriental Mindoro dahil naman sa northeast monsoon.

Inaasahan sa Palawan, Visayas, at natitirang bahagi ng Mindanao ang maulap na kalangitan at pag-ulan dahil sa localized thunderstorms at shear line.

Magiging makulimlim din sa Metro Manila at natitirang bahagi ng Luzon na sasabayan ng mahinang pag-ulan dahil sa northeast monsoon.

Iniulat din ang ang moderate to strong wind speed patungong northeastward sa Luzon at sa eastern sections ng Visayas at Mindanao habang ang coastal waters ay mananatiling moderate to rough.

Makararanas sa natitirang bahagi ng bansa ng moderate to strong wind speed patungong northeastward na sasabayan ng moderate to rough coastal waters.

Sumikat ang araw kaninang alas-6:12 ng umaga at lulubog mamayang alas-6:04 ng hapon. RNT/SA